
15 SENYALES NA KULANG KA SA VITAMIN D
Ang Vitamin D ay isang prohormone, mga nutrient na hindi nagagawa ng katawan. Nagpo-produce ng Vitamin D ang katawan kapag ikaw ay nae-expose sa araw, kumakain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin D, at nagte-take ng Vitamin D supplement. Mahalaga ang Vitamin D upang mapanatiling masigla ang katawan at mapangalagaan ito laban sa maraming sakit, tulad ng type 1 diabetes at cardiovascular disease. So, paano malalaman kung kulang ka sa Vitamin D? Laging nanlalambot, tamad kumilos, walang ganang makipag-usap o makisalamuha sa tao, at minsan naman ay balisa. Kung wala namang ibang health issue, makabubuting ipa-check baka kulang ang katawan sa Vitamin D. May mga ebidensya na ang Vitamin D ay isa sa maaaring dahilan nang pananakit ng muscles. Sa isang pag-aaral sa mga taong may pabalik-balik na sakit ng katawan, napag-alaman na 71% sa kanila ay kulang sa Vitamin D. Ang pamamawis ng ulo at anit ay isang indikasyon na kailangan mo nang mag-take ng Vitamin D supplement, magpa-araw, at kumain ng mga pagkaing masustansya sa Vitamin D. Karaniwang kulang sa Vitamin D ang mga taong sobra sa timbang. Dahil marahil ito sa malaking dilution sa mas malaking volume ng taba, serum, atay, muscle, at iba pang mechanisms, ayon sa nih.gov.
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
#senyalesnakulangsavitamin #signsofvitaminddeficiency
0 Comments