Naloko na! Mga foreign ships dapat umanong kumuha ng permit bago makapasok sa South China Sea

Naloko na! Mga foreign ships dapat umanong kumuha ng permit bago makapasok sa South China Sea

Ang pinakabagong martime rule na ipinapatupad ngayon ng China upang i-regulate ang mga foreign ships sa South China Sea ay naglilikha umano ng panibagong takot at magdudulot rin umano ito ng isang potensyal na hidwaan sa pinagtatalunang karagatan.

Noong unang bahagi ng buwang ito, inanunsyo ng China ang bagong Maritime Traffic Safety Law na nagri-require sa lahat ng mga foreign vessels na papasok sa territorial waters ng China na magdala ng mga permits at dapat din ipaalam sa maritime authority ng bansa ang kanilang entry.

Kailangan din ipaalam ng mga foreign vessels ang kanilang mga call signs at kargamento bago payagang pumasok sa territorial waters ng China. Sinabi sa inilabas na notice ng China na kung sakaling hindi susunod ang mga foreign vessels sa bagong batas, ang maritime administration ng Beijing ang haharap sa mga ito alinsunod sa batas, regulasyon at probisyon.

Inamin ng Maritime Safety Administration ng China na sakop ng bagong regulasyon ang lahat ng mga foreign vessels na itinuturing na mapanganib sa maritime traffic safety ng bansa. Kasama na dito ang mga nuclear vessels o mga barko na nagdadala ng mga radioactive substance. Sinabi naman ng isang Chinese expert sa Global Times na ang bagong hakbang ay magpoprotekta sa pambansang seguridad ng kanilang karagatan.

Si Su Tzu-Yun, ang direktor ng Division of Defense Strategy and Resources sa Institute of National Defense and Strategic Research ng Taiwan ay sinabi na itinuturing umano ng Beijing na sakop ng kanilang maritime jurisdiction ang South China Sea at idinagdag niya na lampas umano ito sa inaangking territorial waters ng Beijing.

Dapat kumuha muna ng permitHindi pwedeng pumasok sa SCSIpaalam muna ang kanilang entry

Post a Comment

0 Comments