
Agad nabahala ang China matapos makiusap ang NASA sa US Government na mag-invest sa mga nuclear-powered spacecraft upang maunahan ng Estados Unidos ang mga karibal nito sa space race.
Ang mga opisyal ng ahensya ay nag-testify sa isang pagdinig ng House Science, Space, and Technology committee noong Miyerkules – at nanawagan na dagdagan ang kanilang pondo upang mas mabilis nitong maipapadala ang kanilang mga astronauts sa Mars at hindi sila maunahan ng Russia at China.
Nanawagan ang NASA sa mga mambabatas ng Estados Unidos na mag-invest ng mas maraming resources tungkol sa research at pagdevelop ng mga nuclear-powered rockets. Sinabi ng NASA na makakatulong ito upang makapagpadala sila ng mga astronauts sa Mars sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na buwan.
Sinabi ni Bhavya Lal, ang senior adviser for Budget and Finance ng NASA sa subcommittee meeting na ang mga strategic competitor ng Estados Unidos tulad ng China ay agresibong nagi-invest sa maraming mga space technologies kabilang na ang nuclear power at propulsion upang matupad ang mga ambisyon nito na magkaroon ng sustained human lunar presence, pati na ang mga plano nitong Martian at deep space science missions.
0 Comments